Panghuhuli ng isdang Tamban, ipinagbawal ng BFAR sa Zamboanga Region

Ipinagbabawal na rin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang panghuhuli ng isdang tamban sa Zamboanga Region.

Batay sa abiso ng BFAR, tatagal ang fishing ban hanggang sa March 1, 2016 na nangangahulugan na Tatlong buwang hindi maaaring manghuli ng isdang tamban ang mga commercial vessel sa nasabing rehiyon

Kasunod ng pagpapatupad ng fishing ban, nagpadala na ang BFAR ng dalawang patrol vessel upang magmonitor at manghuli ng lalabag sa kautusan.

Binigyang-diin ng ahensya na para lamang sa commercial fishing vessel ang ban at hindi para sa mga maliliit na mangingisda.

Ang isdang tamban ang ginagamit sa paggawa ng sardinas.

Speak Your Mind

*