Pasko sa ating Puso ng sonshine radio at SPM sa bayan ng Bugallon, matagumpay

Matagumpay ang isinagawang pasko sa ating puso  ng Dzrd Sonshine Radio at ng Sonshine Philippines Movement (SPM) sa Dimantal Elementary School sa barangay Hacienda sa bayan ng Bugallon, Pangasinan.

Nabigyan ang mga bata at kanilang mga magulang ng maagang regalo at pang noche buena.

Nagkaroon rin ng feeding caravan sa abot dalawang daan mga bata, kasama na ang kanilang mga magulang.

Napili ng grupo ang lugar na pagsagawaan ng nasabing aktibidad dahil isa ito sa apektado ng bagyong Lando.

Ang nasabing aktibidad ay bilang partnership ng DZRD at Sonshine Philippines Movement sa programa ng Bugallon LGU’S sa pagbibigay ng ibat-ibat serbisyo sa mamamayan sa pamamagitan ng “Baranggayan”.

Speak Your Mind

*