Pasku-Juan Bazaar, tampok ang mga produkto ng 4PS beneficiaries

Matagumpay ang isinagawang Pasku-Juan Bazaar ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa bayan ng bauang, lalawigan ng La Union.

Ayon kay Iryn Cubangbang, Information Officer ng DSWD-Regional Office One ang mga ipinakita ay mga produkto ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4PS) beneficiaries sa ilalim ng sustainable livelihood program ng ahensya.

Ang mga 4PS beneficiaries na sumailalim sa livelihood program ay nagtatrabaho na ngayon sa mga kompanya at negosyante na kapartner ng DSWD.

Samantala sa December 14 ay magtatanghal ang DSWD Region one ng kauna-unahang theater play at ito ay gaganapin sa San Fernando City, La Union.

Speak Your Mind

*