PDP-Laban, dumipensa sa pagmumura ni Davao City Mayor Rogrido Duterte

Ipinagtanggol ni PDP-Laban president at ngayo’y Senador Koko Pimentel si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaugnay ng pagmumura sa kaniyang Proclamation Speech sa Maynila.

Ayon kay Pimentel, inilalabas lamang ni Duterte ang kanyang personalidad at tanggap rin naman ito ng kaniyang mga taga-suporta.

Subalit tiniyak ni Pimentel na kung manalo bilang pangulo si Duterte ay magkakaroon ito ng Protocol sa pagmumura at magkakaroon na rin ng image consultant.

Umaasa naman si Pimentel na sa panahon ng eleksyon ay papayagan si Duterte na maipakita pa ang tunay nitong pagkatao.

Mabuti nga raw na makilala ng taumbayan ang personalidad ng kandidato dahil sila ang magdedesisyon kung karapat-dapat ito sa pwesto.

Speak Your Mind

*