Police Manaoag, magpapatupad ng traffic rerouting sa kasabay sa selebrasyon ng kapaskuhan

Isasara ngayong araw ang ilang pangunahing lansangan sa bayan ng Manaoag kaugnay sa isasagawang Christmas in Manaoag.

Ayon kay Police Senior Inspector Rhoderick Gonzales, hepe ng Manaoag Police na isasara ang ilang bahagi ng poblacion mula alas dos ng hapon hanggang alas dose ng hatinggabi.

Ang mga apektadong kalye ay ang mula sa tabayoyong, patungong Soriano, Mendoza at M. Garcia.

Inabisuhan naman ng hepe ang mga motorista na kung sakaling walang gagawin ang mga ito sa bayan ay dumaan na lamang sa Binalonan o sa Mangaldan.

Katuwang ng police ang mga sundalo sa Camp Tito Abat at mga barangays officials sa pagmamando ng trapiko at pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa bayan.

Speak Your Mind

*