Reniel Villareal, bigong masungkit ang Mr. International Title

Bigong masungkit ng pambato ng Pilipinas na si Reniel Villareal ang titulong Mr. International 2015 sa katatapos lang na kompetisyon na ginanap kagabi sa New Performing Arts Theater sa Resorts World Manila Pasay City.

Ang pambato ng Switzerland na si Pedro Mendes ang nakapag-uwi ng titulong Mr. International 2015 kung saan tinalo nito ang 35 pang kinatawan ng iba’t ibang bansa.

Pumangalawa naman sa kompetisyon ang crowd favorite na si Anderson Tomazini ng Brazil, habang ikatlong pwesto ang nakuha ni Sang-Jin Lee ng Korea.

Ganunpaman, nakapasok naman sa top 10 ang tinaguriang “hunk police” na si Villariel na tubong Pagbilao, Quezon at nakuha ang best in National Costume Award.

Samantala, si PO2 Mariano Perez Flormata, Jr. o mas kilala sa kanyang stage name na “Neil Perez” ang nagsalin ng titulo kay Mendes matapos nanalo bilang Mr. International 2014 edition na ginanap sa South Korea.

Speak Your Mind

*