Road construction sa Metro Manila, sinuspendi ng MMDA

Pansamantalang sususpendihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga road construction sa Metro Manila.

Kabilang sa mga pansamantalang suspendihin ang paghuhukay sa mga national at city roads sa kamaynilaan, gaya ng pipe-laying, road upgrading at iba pang road re-blocking.

Sisimulan ang moratorium hatinggabi ng Disyembre katorse hanggang hatinggabi ng Enero a-tres sa susunod na taon.

Ang naturang moratorium ay para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko.

Inaasahang sa naturang panahon ay tataas ang bilang ng mga sasakyan at pasahero dahil na rin sa holiday season.

Speak Your Mind

*