Sako-sakong bigas na itinapon at ibinaon sa Leyte, iniimbestigahan na ng NFA

Inatasan na ni National Food Authority (NFA) Administrator Renan Dalisay ang NFA Eastern Visayas na imbestigahan ang sako-sakong bigas na itinapon at natagpuan sa lalawigan ng Leyte.

Natuklasan ng isang residente ang naturang mga sako-sakong bigas na nakabaon sa malalim na hukay ng lupa sa barangay Macaalang sa bayan ng dagami.

Nakalagay pa sa labas ng sako ang selyo ng nfa at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Samantala, nagsasagawa na rin ng kanilang sariling imbestigasyon ang Regional Director ng DSWD kaugnay sa nasabing isyu.

Speak Your Mind

*