Sen. Escudero, tiwala na makatatakbo pa rin si Poe sa 2016 election

Kumpyansa si Sen. Francis “Chiz” Escudero na hindi maisasantabi ang kandidatura ng kanyang running mate na si Sen. Grace Poe dahil sapat ang kanyang kwalipikasyon para tumakbo sa pagka-pangulo sa darating na halalan.

Aniya, ang resolusyon ng Commission on Election Second Division ay isang pansamantalang balakid lamang dahil ang maari pa ring makakuha si Poe ng paborableng desisyon mula sa Comelec en banc o Korte Suprema.

Umaasa para rin anya sila na igagawad ito ng Comelec en banc o ng Korte Suprema.”

Si Poe, ay may tatlo pang kasong kinahaharap sa Comelec First Division na humihiling na ipawalang-bisa ang kanyang kandidatura kaugnay ng isyu sa kanyang citizenship at residency.

Ani Escudero, nagdesisyon na ang Senate Electoral Tribunal (SET) na si Poe ay isang natural-born Filipino citizen base sa depenisyon ng Saligang Batas, kung kaya’t kuwalipikado itong tumakbo bilang senador at maging presidente.

Speak Your Mind

*