Sen. Poe, diniskwalipika nang Comelec sa pampanguluhang eleksyon 2016

Ibinasura nang Commission on Election ang Certificate of Candidacy ni Senador Grace Poe para sa 2016 Presidential Race.

Ayon sa Comelec Second Division, nabigo si Grace Poe na patunayan ang isyu nang natural-born Filipino at ang 10-year  residency na requirements sa ilalim nang constitution para sa isang presidential candidate.

Kinumpirma din nang running mate ni Poe na si Senador Chiz Escudero ang balitang ito.

Pinaboran nang Comelec Second Division sa botong 3-0 ang petisyon ni Attorney Estrella Elamparo sa kanselasyon nang kandidatura ni Poe sa pagka-presidente.

Sa resolusyon nang Comelec, napatunayan na kulang pa ang sampung taon nang residency ni Poe sa Pilipinas simula noong taong 2006.

Kulang pa umano nang dalawang buwan si Poe para mapunuan ang 10-year residency rule.

Subalit, iginigiit nang abogado ni Poe na nagsimula ang residency ni Poe noong mayo 2005.

Kaugnay nito, nakahandang i-apela nang kampo ni Poe ang decisyon sa Comelec En Banc.

Speak Your Mind

*