SRP, ipinalabas na ng DTI sa mga noche buena items

Ipinalabas na ng Department of Trade and Industry o DTI ang kumpletong listahan ng Suggested Retail Price o SRP para sa mga noche buena items.

Layon nitong magabayan ang mga konsyumer sa kanilang pamimili lalo’t panahon ngayon ng kapaskuhan.

Ayon sa DTI, makikita ang kumpletong listahan srp para sa noche buena items sa website na www.dti.gov.ph

Nagpaalala pa ang DTI sa publiko na suriing mabuti ang mga bibilhing noche buena items tulad ng ham, fruit cocktail, keso, sandwich spread, mayonnaise, keso de bola, pasta, macaroni, spagetti sauce, tomato sauce at creamer partikular na ang expiry date nito.

Speak Your Mind

*