Street dancing, isinagawa sa Manaoag bilang hudyat sa pagsisimula ng Galicayo Festival

Pormal nang binuksan ang Galicayo Festival sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

Isinagawa ang street dance na nilahukan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa Pangasinan.

Lahat ng mga kalahok ay nagsuot ng kanilang makukulay na damit.

Ayon kay Rafael Saygo, organizer ng street dance nagtulong-tulong ang lokal na pamahalaan, iba’t ibang sektor at provincial government para maisakatuparan ang aktibidad.

Ang Galicayo Festival ay ipinagdiriwang mula November 30 hanggang sa unang linggo ng Disyembre.

Nakasaad sa wikifilipino na ang salitang Galicayo ay nangangahulugang halika o lumapit ka samantalang ang Manaoag naman ay tawagin.

Ang Galicayo Festival ay isang pagdiriwang ng pananampalataya, kultura at sining ng mga taga-Manaoag.

Speak Your Mind

*