UAAP MVP Kiefer Ravena, kasama na sa pag-e-ensayo ng Gilas Pilipinas

Opisyal nang sumama si UAAP back-to-back MVP Kiefer Ravena sa ensayo ng Gilas Pilipinas training pool sa Meralco Gym lunes ng gabi bilang paghahanda sa nalalapit na Olympic world qualifying tournament sa Hulyo ng 2016.

Ito ay matapos magkausap sina Ravena at coach Tab Baldwin.

Nakasama ni Ravena sa ensayo sina San Miguel center June Mar Fajardo, Greg Slaughter, Japeth Aguilar at LA Tenorio ng Ginebra, Calvin Abueva ng Alaska, Rain or Shine guard Gabe Norwood, Marc Pingris ng Star at Matt Ganuelas-Rosser, Moala Tautuaa at Rosario ng Talk ‘N Text.

Nabatid na tatlong beses naging miyembro ng Gilas cadet team si Ravena na pumitas ng gintong medalya sa Southeast Asian Games.

Speak Your Mind

*