Unang kaso ng bird flu, natuklasan sa dalawang poultry farms sa France

Nakapagtala ng kauna-unahang kaso ng nakamamatay na sakit na H5N1 bird flu virus ang bansang France.

Ito ang kinumpirma ng Health Ministry na may nakitang bird flu sa dalawang poultry farms sa timog-kanluran ng Dordogne Region kung saan may iba’t ibang hayop na ina­alagaan sa isang bukirin.

Ngunit nilinaw ng health ministry na hindi nakakahawa sa tao ang nasabing virus kung kakain ang mga ito ng itlog at karne.

Sinasabing ang France ang kauna-unahang bansa na nagkaroon ng H5N1 outbreak sa buong European Union simula nang matuklasan ito sa bansang Bulgaria at Romania.

Speak Your Mind

*