Wala sa lugar na pagmumura ni Duterte, kinundena ng Malakanyang

Mariing kinundena nang Malakanyang ang wala sa lugar na pagmumura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kahit sabihin pang dahil sa matinding trapik.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, maling gamitin na halimbawa ang Santo Papa dahil maliban sa pagiging Head of State ay spiritual head din nang mahigit sa isang bilyong katoliko sa buong mundo.

Sinabi ni Lacierda na hindi nila pinabayaan noon ang daloy nang trapiko sa panahon na dumalaw sa bansa si Pope Francis.

Nilinaw ni Lacierda na hindi maganda na gamitin ang Santo Papa sa anumang pagmumura.

Speak Your Mind

*