Walo katao sa bayan ng Calasiao, biktima ng paputok

Mag-ingat sa paggamit ng paputok, lalo na ngayong Christmas Season

Ito ang babala ng otoridad makaraang walong katao naputukan sa bayan ng Calasiao, Pangasinan habang nakikipaglibing.

Ayon kay Mercedita Serquina, isa sa mga biktima habang pababa na sila ng jeep ay inakala nilang nag-overheat ang kanilang sinasakyan dahil may usok ngunit ito ay dahil pala sa pumasok na kwitis.

Isa sa sugatan ay ang limang taong gulang na anak ni Serquina.

Agad namang dinala sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH) sa San Carlos City ang mga biktima.

Payo naman ni Dr. Policarpio Manuel, Chief ng PPH na kapag naputukan ay agad itong hugasan ng sabon at tubig, saka dalhin ang biktima sa pinaka-malapit na pagamutan.

Dagdag nito na lahat ng naputukan ay dapat na matusukan ng anti-tetanus.

Speak Your Mind

*