World Leaders, hinikayat na magpasa ng universal agreement kaugnay sa climate change

Kinalampag ngayon ni French President Francois Hollande ang mga kapwa world leaders at stakeholders na magkasundong ipasa ang isang universal agreement kaugnay sa pagtugon sa epekto ng climate change.

Sinabi ni Hollande na dapat magkaroon ng isang magandang kasunduan sa Disyembre 12 kung saan matatapos ang 21st Conference Of Parties (COP 21).

Ayon kay Hollande, dapat kakatawan sa hangarin ng mga mamayan ang nasabing kasunduan at kailangang tanggapin ng mga developed countries o mayayamang bansa ang tinatawag na historic responsibility.

Iginiit din ng French President na walang dapat iiwas sa obligasyon at aprubahan ang panukalang financial assistance para matulungan ang mga mahihirap na bansang pinakaapektado ng sakunang dulot ng climate change.

Kabilang sa panukala ang layuning ibaba ang green house gas emission at mabawasan ng 1.5 degrees celsius ang temperatura sa mundo para hindi na lumawak ang butas sa ozone layer.

Speak Your Mind

*