Anti-littering ordinance, mahigpit na ipinapatupad sa Urdaneta

Mahigpit pa rin ang paghuli ng lokal na pamahalaan ng Urdaneta City sa mga lumalabag sa Anti-Littering Ordinance.

Ayon kay Henry Kang, head ng Task Force Bantay Kalikasan sa bawat araw ay nakakahuli ang kanyang grupo ng average na 30 hanggang 50 na lumalabas sa City Ordinance 075-2005.

Karamihan sa mga ito aniya ay mga bisita o hindi residente ng syudad kaya ang ginagawa ng task force ay binibigyan sila ng warning ngunit kukunin naman ang kanilang pangalan para maitala sa kanilang kompyuter.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa ay papatawan ng multa na 500 pesos para sa first offense, 1,000 pesos naman para sa second offense, at 2,000 pesos para naman sa third offense.

Kung sakaling walang maibayad ang lumabag sa batas ay maari naman itong patawan ng multa sa pamamagitan ng serbisyo sa komunidad.

Speak Your Mind

*