Anti-rabbies vaccine, libre na sa mga Animal Bite Treatment Center

Libre nang makukuha ang anti-rabbies vaccine sa mga alinmang Animal Bite Treatment Center sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang paglilinaw ng Pangasinan Provincial Hospital (PPH), alinsunod sa target ng Department of heaLth (DOH) na mapababa ang bilang ng kaso ng rabbies sa buong bansa.

Sinabi ni Dr. Policarpio Manuel, Chief of Hospital ng PPH na kung dati ay isa lang ang naibibigay ng libre sa isang pasyente, ngayon ay libre na ang limang sesyon ng turukan.

Tiniyak naman ni Dr. Manuel na hindi magkakaroon ng kakapusan sa supply ng anti-rabies vaccine sa lalawigan.

Una nang naitala ng PPH ang 1,780 na nagpabakuna ng anti-rabies dahil sa kagat ng aso at puso noong 2015 kung saan 199 dito ang nabigyan ng passive treatment dahil nakitaan na positibo sa rabies.

Paalala naman ng DOH sa publiko na upang maiwasan na mabiktima ng rabbies, mas mabuting mag-ingat at ilagay sa tama ang pag-aalaga ng aso.

Speak Your Mind

*