Avian Pest, naitala sa mga alagang manok sa Calasiao

Nagdulot ng pangamba sa mga poultry owner sa bayan ng Calasiao, Pangasinan ang naitalang avian pest outbreak sa Brgy. Duyong.

Ang Avian Pest o peste sa mga manok ay mabilis kumalat kung saan aabot sa malaki  ang tyasang mangamatay lahat ang alagang manok.

Ipinapayo naman ng otoridad na ugaliin ang pagbakuna sa mga alagang manok upang maiwasan ang virus na nagdadala ng avian pest.

Dahil dito, mahigpit ang monitoring ng Municipal Agriculture Office sa mga ibinibentang manok sa pamilihan dahil hindi ligtas kainin ang mga tinamaan ng peste.

Kasabay nito, nagbabala si Norma Mamarablo ng Agriculture Office sa publiko na mag-ingat sa pagbili ang karneng manok, dapat hindi ito nangingitim at walang mabahong amoy.

Sa ngayon, naglalalaro na sa P120 kada kilo ng presyo ng manok sa pelengke ng calasiao, bumaba ng sampung piso kada kilo dulot ng naitalang avian pest.

Speak Your Mind

*