Biktima ng paputok sa Pangasinan ngayong taon, bumaba ng 35%

Bumaba ng tatlumpu’t limang porsyento ang biktima ng paputok sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Health Officer Dra. Anna De Guzman sa pagtatapos ng iwas paputok surveillance ng Department of Health (DOH) kahapon, Enero a-singko.

Aabot sa 163 ang biktima ng paputok ngayong taon kumpara noong nakaraang taon na 248.

Kabilang sa tatlong nangungunang dahilan ng insidente ay ang piccolo, whistle bomb at kwitis.

Ayon kay de Guzman ikinalulungkot naman nito na 80 percent sa mga biktima ng paputok ay active cases o sila mismo ang nagpaputok.

Speak Your Mind

*