Christine Reyes, excited na sa nalalapit na kasal

Excited na ang sexy actress na si Christine Reyes para sa nalalapit niyang kasal sa foreigner fiance at Mixed Martial Arts Fighter na si Ali Khatibi.

Ayon kay Christine, hindi siya nakakaramdam ng kaba, bagkus, naglu-look forward siya sa kanilang kasal ni Ali.

Sina Christine at ali ay mag-iisang dibdib sa isang intimate wedding sa isang private resort sa Balesin Island sa darating na Miyerkules Enero 27.

Tanging pamilya nina Christine at ali ang dadalo sa seremonya.

Ayon sa aktres, nais lang nilang makaiwas sa stress dito sa Metro Manila kung kaya’t nagdesisyon sila na sa isang pribadong resort ganapin ang kanilang kasal.

May plano pa naman daw sila ni Ali na magpakasal bilang big wedding dito sa Metro Manila at yan ang kanilang susunod na pag-uusapan.

Nabatid na noong buwan ng Setyembre ng nakaraang taon nang maging engaged sina Christine at Ali, matapos magsilang ng kanilang first baby ang aktres.

Speak Your Mind

*