Di’umanoy number one hot spot area ang Pangasinan, nais bigyang linaw

Nais bigyang linaw ng Sangguniang Panlalawigan (SP) kung bakit number one hot spot area ang lalawigan ng Pangasinan sa buong bansa ngayon 2016 election.

Dahil dito, nakatakdang ipatawag sa regular session sa darating na February 1 ang bagong talagang Officer-In-Charge ng Pangasinan Provincial Office na si Senior Supt. Edgar Allan Okubo upang masagot ang kanilang katanungan.

Ayon kay 4th District Board Member Mojamito Libunao, kailangan malaman kung ano ang ginagamit na parameters ng pulisya para idiklara ang Pangasinan bilang number one hot spots area sa buong bansa.

Maliban dito, pag-uusapan narin sa gaganaping sesyon kung ano ang mga programa at solusyon upang maging mapayapa, malinis at tapat ang eleksyon sa pangasinan.

Matatandaan nitong Enero a-otso, pumalit si Okubo bilang OIC ng Pangasinan PNP kay Senior Supt. Rolie Saltat, na umupo sa puwesto sa loob ng anim na buwan.

Speak Your Mind

*