DTI Pangasinan, pinaalalahanan ang mga contractors sa pagkuha ng PCAB

Pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga contractors na kinakailangan nilang mag-aplay ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) license.

Sinabi ni Engr. Peter Mangabat, Provincial Director ng DTI bago naman makakuha ng PCAB license ang mga contractors ay kinakailangan pang sumailalim ang mga ito sa dalawang araw na Authorized Managing Officers (AMO) Course.

Kabilang sa mga tatalakayin sa AMO Course ay ang batas at regulasyon na may kaugnayan sa construction industry tulad ng national building code, labor laws, taxation, internal revenue code, build-operate-transfer law, government procurement reform act at local government code.

Nilinaw din ni Mangabat na hindi pa sapat ang pagkakaroon ng dti business name o sec registration para mag-operate bilang lehitimong contractor para sa private domestic construction.

Speak Your Mind

*