ID System, mas mahigpit na ipatutupad sa Bagsakan Market sa Urdaneta City

Upang malimitan ang mga pumapasok na tri-bike sa Bagsakan Market sa lungsod ng Urdaneta, mas hihigpitan pa ang pagpapatupad dito ng ID System.

Paliwanag ng Pangasinan Agri-Pinoy Trade Center na ang naturang hakbang ay bilang proteksyon sa mga traders at mamimili mula sa ibat-ibang probinsya na hindi maloko ng mga driver ng tri-bike.

Mas madali anilang mamomonitor at matukoy ang mga tri-bike driver sakaling nakaroon ng nakawan dahil sa suot nitong id na mayroong kompletong pangalan, tirahan ang kontak number.

Nabatid na umabot sa labin limang traders sa bagsakan market ang nawalan ng kalakal noong nakaraang taon, pero labing apat sa mga ito ang agad nabigyang sulosyon dahil sa ipinatupad na ID System.

Speak Your Mind

*