Mga migratory birds, bawal lapitan, hulihin at kainin – PVET

Bawal lapitan, hulihin at kainin ang mga migratory birds.

Ito ang babala ng Provincial Veterinary Office ng Pangasinan kaugnay sa pagdagsa ng mga migratory birds sa bayan ng Binmaley na inaasahang magtatagal hanggang sa pagsisimula ng summer.

Ayon kay Dr. Eric Perez, Provincial Veterinarian, hindi ligtas na lapitan o hawakan man lang ang nasabing mga ibon dahil posibleng nagtataglay ito ng birds flu virus.

Ani Perez, sa bahagi ng Asya bukod sa Singapore, ang Pilipinas na lamang ang walang naitatalang avian influenza o bird flu  kayat dapat mag-ingat ang publiko.

Nabatid na ang mga migratory birds na dagsa ngayon sa pangasinan ay mula sa malalamig na bansa tulad ng China, Taiwan at Japan kung saan naghahanap ang mga ito ng mainit na lugar.

Sinabi pa ni Perez, na isa ang mga palaisdaan sa bayan ng Binmaley sa dinarayo ng mga ibon dahil marami ditong makakaing isda at insekto.

Speak Your Mind

*