Nahuhuli dahil sa pagkakabit ng blinker sa sasakyan, dumarami

Pumalo na sa mahigit tatlong daang motorista ang mahuli ng mga otoridad bunsod ng pinaigting na checkpoint at paghuli sa mga gumagamit ng blinker sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Richard Agbayani, Land Transportation Office o LTO Chief ng Dagupan na mahigpit na ipinagbabawal sa mga motorista at hindi otorisadong gumamit ng blinker dahil posible itong magdulot ng aksidente sa daan.

Tanging ang pinayagan lang aniya na gumamit ng blinker ay mga ambulance, police mobile, patrol car at fire truck na naayon sa kanilang trabaho.

Sinabi naman ni Agbayani na hindi bawal ang pagkakabit ng karagdagang ilaw sa sasakyan basta hindi ito nagbi-blink na nakakasilaw sa kapwa motorista na makakasalubong sa kalsada.

Aabot naman sa limang libong piso ang multa sa mga mahuling motorista na gumagamit ng ipinagbabawal na blinker.

Speak Your Mind

*