P6M, inilaan ng Pangasinan Government sa Point-of-Care Program

Aabot sa anim-na-pung milyong piso ang inilaan ng Provincial Government ng Pangasinan para sa health insurance ng mga indigent families sa lalawigan.

Ayon kay Gov. Amado Espino Jr., ang pagpapatupad ng Point-of-Care Program ay makakapag-patunay na mahalagang bahagi ng adhikain ng probinsya na gawin ang lalawigan bilang tahanan ng mga malulusog na mamamayan.

Ang nasabing programa ay ipinapatupad ng Provincial Government sa pakikipag-tulungan ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Sa pamamagitan ng program ay otomatikong naka-enroll ang mahirap na pasyente na naka-confine sa labing apat na pampublikong ospitals na pinalalakad ng Provincial Government sa Philhealth.

Speak Your Mind

*