Pagbabakuna sa alagang hayop, ipinayo ngayong mainit ang panahon

Siguruhing malusog ang mga alagang hayop.

Ito ang pahayag ni Dr. Eric Perez, Provincial Veterinarian, sa panayam ng sonshine radio bilang paghahanda sa nararanasan ngayong mainit na panahon

Ayon kay Perez, kailangang mabakunahan ang mga hayop upang magkaroon ng resistensya laban sa matinding init ng panahon at maiwasan ang anumang sakit.

Kabilang na aniya sa mga sakit ng mga alagang manok na kailangang bantayan ngayong tag-init ang avian pest.

Dapat din ayon kay Perez na magsagawa ng regular na disinfection sa kulungan upang maiwasang pumasok ang mikrobyo.

Paalala din ng Provincial Veterinary Office (Pvet) na kung may maoobserbahang kakaiba sa mga alagang hayop ay agad na isangguni sa kanilang tanggapan.

Speak Your Mind

*