Pagbibigay trabaho ng PESO, patuloy ngayong taon

Isasagawa ng Provincial Employment and Services Office (PESO) sa Pangasinan ngayong araw hanggang bukas ang bwena mano nitong pag-aalok ng mapag-ta-trabahuan sa mga Pangasinense ngayong 2016.

Mayroong oportunidad ang mga nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa partikular sa Brunei, Darussalam at Singapore.

Ang mga maaaring aplayang trabaho o posisyon ay tulad ng waiter, waitress, cook, pasta maker at domestic helper.

Ang mga interesadong aplikante ay pinapayuhan na pumunta sa peso sa Alvear Street, Capitol Complex sa bayan ng Lingayen mula alas otso ng umaga.

Huwag ring kalimutang magdala ng resume at iba pang kinakailangang dokumento.

Speak Your Mind

*