Pagkakaroon ng daungan ng barko, isinusulong sa Alaminos City

Isinusulong na sa lungsod ng Alaminos sa lalawigan ng Pangasinan ang pagkakaroon ng Bay Area o daungan ng mga barko.

Ito’y dahil isa na ang pinagmamalaking hundred island national park sa dinarayo ng mga International Cruise Ship na dati’y sa mga isla lamang ng Boracay.

Sa katunayan, ayon kay Mike Sison, ang head ng Tourism Office ng lungsod na tatlo nang international cruise ship ang nakatakdang dumaong sa pamasong isla ngayong taon.

Hindi aniya maitatanggi ang malaking kita na ipininapasok ng mga turista sa lungsod kayat pati ang kanilang tourism center ay bente kuwatro nang bukas.

Inaasahan na rin ng alaminos lgu’s ang pagdagsa ng mga turista sa paparating na bakasyon lalot ngayong buwan pa lang ng enero ay nakapagtala na sila ng libo-libong turista.

Speak Your Mind

*