Pagpaparehistro ng mga bangka sa Alaminos, City, ipinapatupad

Mahigpit na ipinapatupad sa mga mangingisda sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan ang pagpaparehistro sa kanilang mga bangka at palaisdaan.

Ito ayon kay Melbert Ferrer ang City Agriculturist ng Alaminos ay upang matiyak na hindi ilegal at lihitimong mangingisda lamang ang mag-ooperate sa lungsod.

Layun din ani Ferrer na maisama ang mga mangingisda sa masterlist registered fishing boat sa syudad para sa kanilang proteksyon.

Batay naman sa monitoring ng City Agriculture Office, pumapalo na sa 250 mga fishing boat ang nag-ooperate sa Alaminos habang nasa 1,500 mga rehistradong mangingisda.

Samantala, bahagya na umanong humina ang nahuhuling isda nga mga mangingaisda ngayong buwan dahil sa nararanasang malamig na panahon.

Speak Your Mind

*