Pangasinan, nangunguna sa larangan ng agrikultura sa Region 1

Namamayagpag ngayon ang lalawigan ng Pangasinan sa larangan ng agrikultura sa buong rehiyon uno.

Sa naganap na distribusyon ng certified palay seeds sa Agriculture Office sa bayan ng Sta. Barbara ay sinabi ni Dalisay Moya, Officer-in-Charge ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) na top achiever ang Pangasinan sa produksyon ng bigas, mais, sibuyas, mangga, bangus at tilapia.

Kasabay nito, pinayuhan ni Gov. Amado Espino Jr. ang mga magsasaka na pag-aralan ang mga makabagong teknolohiya para higit na madadagdagan ang produksyon ng kanilang sakahan.

Kapag dumami na aniya ang produksyon, ibig sabihin nito ay madadagdagan ang kinikita ng mga magsasaka.

Nabatid sa loob ng tatlong termino ni Gov. Espino ay isa sa prayoridad ng kanyang administrasyon ay ang pag-unlad ng agrikultura sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*