Pauleen Luna at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, muling nagkita

Agad na nagkita ang mag-bestfriend na sina Pauleen Luna at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach pagdating nito sa bansa noong sabado ng gabi.

Sa litratong post ni Pauleen sa social media, kitang-kita ang tuwa sa mukha ng magkaibigan sa muli nilang pagkikita matapos koronahan si Pia bilang Miss Universe.

Ayon kay Pauleen, marami silang napag-usapan ni Pia tungkol sa kanilang mga personal na buhay at kung ano pa ang mga magaganap sa buhay nilang dalawa sa mga susunod na araw.

Pareho nang nararanasan ng dalawa ang kanilang mga pangarap mula ng sila ay mga bata pa at nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Speak Your Mind

*