Pinaka-malamig na temperatura, naitala sa Baguio ngayong araw

Naranasan ngayong araw sa lungsod ng Baguio ang pinakamababang temperatura na nasa 10.8 degrees celcius na maituturing na pinakamababa ngayong 2016

Ayon sa Pag-asa, ito ay epekto ng umiiral na hanging amihan.

Inaasahang mas lalamig pa ang temperatura sa mga susunod na raw ngunit mas mabilis itong matatapos dahil sa epekto ng El Niño.

Samantala, tumaas na ang presyo ng bawat bundle ng rosas sa lungsod ng Baguio ilang linggo bago ang Valentine’s Day.

Malaki ang posibilidad na tataas pa ang presyo ng rosas mula Pebrero 10 hanggang 13, depende sa suplay lalo na at malamig ang klima.

Isa itong dahilan kung bakit mahirap mamukadkad ang mga bulaklak.

Sa kabila nito, tiniyak niya na sapat ang suplay ng rosas na nagmumula sa Bahong, Alno, Sablan at iba pang lugar.

Speak Your Mind

*