Presyo ng construction material sa Pangasinan, tumaas

Tumaas ng nasa limampung porsyento ang presyo ng mga construction material sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa mataas ding demand nito.

Ayon kay Engr. Peter Mangabat, Provincial Director ng DTI na posibleng umabot pa hanggang buwan ng Hulyo o Agosto ang nararanasang mataas na presyo ng construction materials.

Sinabi pa ni Mangabat na panahon ngayon kung saan marami ang mga construction activities o nagpapatayo ng mga bahay at establisyemento.

Sa ngayon, pumapalo na ang presyo ng semento sa P225 kada sako, at nasa P50 kada kilo ng pako ang mabibili sa mga pamilihan.

Samantala, kung mataas ang presyo ng mga construction supplies, bamaba naman ang presyo na harina sa lalawigan na mabibili lamang sa P780 kada sako mula sa dati nitong presyo na P900 kada sako.

Bunsod naman umano ng pagbaba ng presyo ang paghina ng demand dahil tapos na mga okasyon na malimit gamitan ang harina.

Speak Your Mind

*