Rollback sa pasahe, masyado pang maaga – AUTOPRO

Masyado pang maaga para ipatupad ang rollback sa pasahe.

Ito ang tugon ni Alliance of Concerned Transport Organization (AUTOPRO) –Pangasinan President Benny Aquino sa panukalang limampung sentimo bawas pamasahe sa mga pampasaherong jeep.

Una nang isinusulong ng ibang transport group na bumaba ang singil sa pasahe sa P7.00 mula sa dating P7.50.

Ngunit sinabi ni Aquino na kapag umabot na sa p18 kada litro ng gasolina ay sila ang kusang magrorollback ngunit hihilingin nila dito ang pahintulot ng LTFRB.

Wala naman daw siyang kapangyarihan na mapilit ang ibang ng tsuper sa kanilang desisyon dahil may batas dito na dapat sundin.

Sa pinakahuling rollback, nagbababa ng P1.45 kada litro sa presyo ng diesel samantalang piso naman ang bawas sa presyo ng gasoline ng mga kumpanya ng langis.

Speak Your Mind

*