Sonshine Radio Sports Cup 2016, aarangkada na

Aarangkada na ang kauna-unahang Sonshine Radio Sports Cup 2016.

Sa enero a-bente dos ay magaganap ang grand opening ng Pangasinan Juniors Basketball Championships sa Narciso Ramos GYM sa bayan ng Lingayen.

Itinakda ang tatlumpu’t anim na laro sa iba’t ibang siyudad at bayan sa pangasinan at magkakaroon din ng isang grand champion sa bawat kategorya.

Ang grand championship naman ay gaganapin sa Pebrero a dose.

Ang palaro ay binuo ng DZRD sonshine radio, Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. at Department of Education (Deped) sa pakikipagtulungan ng DZAR sonshine radio Manila, Pinas – the Filipinos Global Newspaper at ng Department of Health.

Speak Your Mind

*