Zero Malaria Cases, naitala ng pangasinan sa loob ng limang taon

Nanatiling malaria free ang lalawigan ng pangasinan sa loob ng limang taon.

Ito ang inihayag ni Dr. Anna de Guzman, ang Provincial Health Officer ng pangAsinan bunsod umano nang pina-igting na kampanya kontra lamok na nagdadala ng sakit na malaria.

Mahigpit umanong binabantayan ng PHO ang mga high risk area sa lalawigan na maaaring pagmula ng malaria kabilang ang mga bayan ng Agno, Bani, Dasol, Infanta, Mabini, Sual Mangatarem, Sison, at bayan ng San Nicolas.

Dagdag pa ni Dr. De guzman na patuloy din ang mga isinasagawang larval survey at residual spraying sa buong probinsya para makaiwas sa malaria.

Maliban sa sakit na dengue, mapanganib at maaari ring makamatay ang malaria na nakukuha sa mga kagat ng anopheles mosquito.

Samantala, positibo naman ang PHO sa target na mapabilang ang pangasinan sa malaria free province sa buong bansa lalo’t isang , isang evaluation nalang ang kailangan daanan ng probinsya mula sa pagsusuri ng Department of Health (DOH) at World Health Organizaton (WHO).

Speak Your Mind

*