12 katao, patay sa aksidente ng isang bus sa Mexico

Patay ang labindalawang katao habang sugatan naman ang dalawampu’t walo matapos maaksidente ang isang bus sa Durango, Mexico.

Ayon sa Civil Protection Office, nahulog sa dalisdis na may lalim na apat na pu’t limang metro ang bus sa bayan ng Mapimi.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa sanhi ng aksidente.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Mexican President Enrique Peña Nieto sa pamilya ng mga nasawi.

Speak Your Mind

*