20,000 ektaryang sakahan sa pangasinan, kulang na sa patubig

Abot sa 20,000 ektaryang sakahan na sa lalawigan ng Pangasinan ang nakakaranas ng kakulangan ng patubig dala ng nararanasang init ng panahon epekto ng El Nino.

Kabilang sa apektadong lugar ay ang mga bayan ng San Jacinto, San Fabian, Mangaldan, Mapandan, Sta. Barbara, Bayambang, Rosales, at Malasiqui.

Dahil dito, patuloy ang ginagawang rotational method sa pagpapatubig ng National Irrigation Administration o NIA upang maserbisyuhan ang mga lugar na hirap sa patubig.

Ipinapayo naman ni Engr. John Celeste, NIA Regional Director na ngayong 2nd cropping sa halip na magtanin ng palay, mas mabuting magtanin nalang ng alternatibong pananim gaya ng monggo, mais at tabako na hindi nangangailan ng maraming tubig.

Speak Your Mind

*