2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, handa na sa adbokasiya sa HIV-AIDS

Kasabay ng pagbalik sa New York ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach handa na nitong simulan ang kanyang advocacy sa Human Immunodeficiency Virus Infection and Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS).

Kusang sasailalim sa HIV Testing sa New York ang beauty queen at umaasang maging inspirasyon ito at tularan din ng iba at maibsan na ang social stigma sa mga biktima ng nasabing sexually-transmitted disease.

Una ng inihayag ng Fil-German beauty queen na nais niyang maintindihan ng lahat na ang isang taong positibo sa HIV ay maaari pa ring makapamuhay ng normal at hindi pa katapusan ng mundo para sa mga ito.

Dagdag pa nito, hindi rin aniya dapat katakutan o pangilagan ang mga biktima ng naturang sakit o AIDS.

Speak Your Mind

*