2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, HIV Prevention Ambassador na!

Laking pasasalamat ni Filipina Beauty Queen at 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa pagkakahirang sa kaniya bilang Human Immunodeficiency Virus (HIV) Prevention Ambassador.

Si Pia ay pinagkatiwalaan ng isang non-profit organization sa Amerika na manguna sa pagpapalaganap ng impormasyon laban sa HIV.

Muling nanawagan si Wurtzbach sa publiko na makibahagi sa programa para maibsan na ang social stigma sa mga biktima ng nasabing sexually transmitted disease.

Si Pia ay dumalo na rin sa mga pagsasanay ng Aid For Aids (AFA) Foundation sa New York upang maging pamilyar sa paghawak ng kasong may kaugnayan sa HIV-AIDS.

Ang Pinay beauty queen ang pang-anim na Miss Universe na ginawaran ng pagiging HIV Ambassador mula noong 2003.

Binigyang diin ni Pia na ang taong positibo sa HIV ay maaari pa ring makapamuhay ng normal sa mundong ito.

Giit pa ni Pia na hindi dapat katakutan o pandirihan ang mga biktima ng AIDS.

Speak Your Mind

*