21 pasahero, patay sa pag-crash ng isang eroplano sa Nepal

Dalawampu’t tatlo na ang kumpirmadong nasawi sa pagbagsak ng isang maliit na eroplano na pag-aari ng Tara Air sa Mustang Area sa Nepal dahil sa masamang panahon.

Galing umano ang Twin Otter Aircraft sa Pokhara at patungo sana ito sa Jomsom nang mawala sa contact ng control tower.

Kinumpirma naman ni Pokhara Police Officer Bishwaraj Khadka na walang nakaligtas sa naturang plane crush.

Kabilang sa mga pasaherong nasawi ang isang Chinese national at Kuwaiti citizen.

Napag-alaman naman na toong 2014 ng bumagsak din ang isang eroplano na kapareho ng Twin Otter sa West Nepal na ikinamatay ng 18 katao.

Speak Your Mind

*