23,000 ektaryang kabundukan, nataniman ng seedling sa Pangasinan

Binigyang pagkilala ng United Nations ang Pilipinas bilang pang-lima sa buong mundo na nangungunang bansa sa pagsasagawa ng programa para sa Climate Change Mitigation.

Ayon kay Leduina Co, Head ng Provincial Environment and Natural Resources (PENR) Office na malaking tulong sa pagkilalang nakamit ng pilipinas ang ipinapatupad na National Greening Program (NGP) ng DENR.

Ang NGP ay sinimulan na ipatupad noong 2011 at pagpapatuloy ng denr hanggang 2022 sa tulong ng lokal na pamahalaan at people’s organizations.

Sa pagtutulungan ng DENR at nabanggit na mga grupo ay magtatanim sila ng mga seedlings sa bundok.

Sa Pangasinan ay mahigit 23,000 ektarya na ng kabundukan ang natamnan ng iba’t ibang seedlings bilang bahagi ng NGP ng DENR.

Speak Your Mind

*