4 na PWD ng Region1, sasabak sa International Abilympics sa France

Sasabak ang apat na Persons with Disabilities (PWD) mula sa rehiyon uno sa gaganaping International Abilympics sa France, mula Marso a-bente dos hanggang a-bente syete.

Sina Jennifer Garcia, Preciousa Pas Quinto, Annie Rose Rumbaua at Jerome Marzan ay kabilang sa mga magwawagayway ng bandila ng Pilipinas sa nasabing International na patimpalak.

Si Garcia ay sasabak sa word processing category, si Quinto ay sa outdoor photography, si Rumbaua naman ay sa cookery, habang si Marzan ay sa webpage design.

Ayon kay Garcia na nagkaroon ng polio mula noong siya ay dalawang taon pa lamang, nagagalak na siyang makipagtagisan ng galing lalo na gaganapin pa ito sa ibang bansa.

Dagdag ni Garcia na premyo na para sa kanya ang mapabilang sa International Abilympics at makapunta pa ng France.

Kasama ng apat ang mga kinatawan ng regions 4A, 8, 10 at 11 na sasabak naman sa kategorya na kinabibilangan ng water use, desktop publishing, painting and decoration, floral arrangement at  cake decoration.

Speak Your Mind

*