40 pares, sabay sabay na ikinasal sa kasalang bayan sa San Manuel

Mahigit apatnapung pares ng magsing-irog ang sabay-sabay na ikinasal sa kasalang bayan sa San Manuel, Pangasinan.

Ito’y sa pamamagitan ng program ng Civil Registral Office ng San Manuel sa layuning mabigyan ng legal na pagsasama ang mag-asawa.

Ayon kay Civil Registral Imelda Gordovez, target din ng programa na mabawasan ang mga illegitimate child kayat sa darating ng Pebrero 26 ay magkakaroon din ng lebreng rehistro sa mga bata.

Libre naman ang lahat ng gastos sa kasalang bayan na pinonduhan ng lokal na pamahalaan ng San Manuel.

Speak Your Mind

*