41 areas sa Central Luzon, inilagat ng PNP sa election watchlist

Inilagay na sa election watchlist ng Philippine National Police ang may apatnapu’t isang bayan at siyudad sa Central Luzon.

Ang nasabing mga lugar ay kabilang sa mga babantayan ng pulisya para sa nalalapit na halalan sa Mayo a-nueve.

Kabilang dito ang mga bayan ng Dingalan, Baler at Maria Aurora sa Aurora, Mariveles at Limay sa Bataan, Doña Remedios Trinidad, San Jose del Monte, San Miguel, San Ildefonso, Baliwag at Meycauayan sa Bulacan,

Kasama rin ang Bongabon, Cabanatuan, Jaen, Aliaga, Quezon, Licab Zaragosa, San Leonardo, Muñoz, Pantabangan, Santo Domingo, Gapan, Cabiao, Talavera, General Tinio, San Antonio at Talugtug sa Nueva Ecija.

Nasa listahan din ng election watchlist ang Arayat, Masantol at Mexico sa Pampanga, Bamban, Paniqui, San Jose, Capas, San Manuel, Tarlac City at Mavantoc sa Tarlac.

Maging ang botolan, Castillejos at Masinloc sa Zambales ay kabilang din sa election watchlist.

Naglagay na rin ang PNP at Comelec ng 199 checkpoints sa Central Luzon mula noong Enero a-diyes.

Speak Your Mind

*