P6.3B, nalulugi dahil sa smuggling ng karne ng baboy at manok

Karne Manok at BaboyMahigit sa 6.3 bilyong piso ang nalulugi taon-taon sa kaban ng gobiyerno dahil sa smuggling ng karne ng baboy at manok sa bansa.

Ito ang pahayag ni Agap Party-List Representative Nicanor Briones.

Ayon kay Briones, nakipag-usap sa kaniya ang grupo ng mga hog raisers para pagplanuhan ang pig holiday sa bansa dahil sa bilyon-bilyong pagkalugi sa kanilang sektor.

Dismayado aniya ang mga hog raisers dahil sa kawalan ng epektibong hakbang ng gobiyerno para tapusin ang technical smuggling ng karne ng baboy.

Paliwanag ni Briones na sa technical smuggling ng baboy ay 3.5 bilyong piso kada taon ang nawawalang kita sa gobiyerno habang 2.8 bilyon naman ang lugi sa karneng manok.

Speak Your Mind

*