71,000 na balota, kailangang muling iimprenta ayon sa Comelec

Kailangang muling mag-imprenta ng 71,000 na balota ang Commission on Elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, 71,000 na balota ang hindi tinanggap ng vote-counting machine dahil miscut o mas mahaba o maikli ang mga ito.

Umabot na sa mahigit sampung milyon ang naiimprentang balota para sa eleksyon sa Mayo.

Una na rito, sinabi ng Comelec na kampanate itong mahahabol ang deadline ng pag-iimprenta ng mga balota sa a-bente singko ng Abril.

Speak Your Mind

*